Friday, February 17, 2006

Kung Tinatamad

1. Huwag aabsent.

2. Huwag male-late.

3. Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa angdrawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.

4. Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhinang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis. Kungwala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming &outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga natira saiyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli.Labag sa kagandahang asal. Kung naglalaway ka sa mgaiyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front drawer at ipunas sa lawaymo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mopang magamit iyon bukas. Malaking katipiran sa iyo.

5. Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakankaagad ang telepono at magsalita. Kunwari aytinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng "Oh! I am sorry but I willbring that to your office immediately." Kumuha kaagadng kahit anong folder at magpaalam ng maayos atbuong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.

6. Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti angsarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kungbaligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris ngmga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.

7. Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan angcomputer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Maramiring minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isangfile... Isa pa... at isa pa uli...!!! Pumunta saccmail, tingnan ang inbox kung may hindi panababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamangsa Grade One.

8. Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report.Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel naginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.

9. Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwagmong hayaang ibaba kaagad ng kausap. Kumustahin.Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ngtungkol sa mga jokes kay Erap o ng pagtaas ng langis. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit patina kung saan nagpapa-manicure at pedicure. Huwaglalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalitang iyong boss.
10. Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa uwian.

No comments: